TV

Derek Ramsay at Mary Christine Jolly, nagkasundo para sa anak

Updated On: March 18, 2020, 08:38 AM
"Wala akong pakialam sa career ko, anak ko ang inuuna ko rito.”
By CHERRY SUN


 
For the first time in 10 years, muling nagkita at nag-usap sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly ukol sa kasong isinampa ng kanyang estranged wife laban sa kanya.

Nakatakdang magsumite ng kanyang reply affidavit si Mary Christine noong Huwebes, September 18.

Nang malaman ni Derek na kasama ng kanyang asawa ang kanilang 11-year-old na anak ay nagpunta rin siya sa Makati Regional Trial Court, at dito na nagtagpo ang pamilya.

Para kay Mary Christine, ang tagpong ito ang nagkaroon ng pinakapositibong resulta.

Aniya, “We really tried to put the past behind and really just focus on the child, what’s best for the child, and we will try to be amicable. We will try our best to be, for the kid.”

“It has been the most productive out of all the meetings, out of all of them,” dagdag niya.

Sa patnubay ni Prosecutor Erwin Dimayacyac, nag-usap sina Derek at Mary Christine sa isang close-door meeting kasama ang kanilang anak, at kalauna’y silang dalawa na lamang.

Nagkaroon man ng sigawan at iyakan, ayon sa piskal, kinumpirma rin niyang nagkasundo na ang mag-asawa.

Ayon kay Dimayacyac, “Hindi muna magsa-submit ng reply affidavit si Mary.”

Ipinakiusap din niya, “Wag nyo nang bigyan ng emphasis ‘yung kumalat na reply affidavit ni Mary. Basta maganda, ayaw ko munang i-preempt ha. Baka masira eh. May bearing, malaki bearing pero maganda noon kahit paano friends na sila.”

Sa araw ding iyon, nakilala na ng kanilang anak ang mga magulang ni Derek.

“I think we just let out a lot of baggage from the past that needed to be let out before we want to move on. And I’m glad that’s resolved. Today was a good day. It ended up on a happy note, definitely,” saad ni Mary sa panayam ng Startalk.

Masaya rin si Derek na muli niyang nakapiling ang kanyang anak, ngunit mas pipiliin daw niya sanang hindi na madamay ito sa kanilang gulo.

Sabi niya, “I don’t think he should be seeing all of this, but it is what it is. Like I said I came here so at least I could see him, talk to him.”

Dugtong pa ng aktor, “So whatever she stated in her affidavit, she said she’s retracting everything. That’s not what’s important to me here eh. If I need to maintain a good relationship with her, I’ve been trying. I will do it, I will do it for my boy.”

At pagbigay-diin din niya, “Wala akong pakialam sa career ko, anak ko ang inuuna ko rito.”
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.