TV

Dennis Padilla, naiyak sa gustong pagpalit ng anak sa kanyang apelyido

Updated On: July 3, 2020, 11:55 PM
Masakit para kay Dennis nang makumpirma niya ang balita, kahit umiiyak na inamin niya sa 'Startalk' na may pagkukulang din siya bilang ama.  
By CHERRY SUN
 
Umiiyak ang aktor na si Dennis Padilla nang makapanayam ng Startalk nitong Sabado, July 12.  

Mahirap para sa isang ama ang mahiwalay sa kanyang mga anak.

Sa sitwasyon ni Dennis, lalong sumama ang kanyang loob nang malaman niyang gustong itakwil ng kanyang panganay na si Julia Barretto ang kanyang apelyido.

Mahigit limang buwan na mula noong huling nakita ng aktor ang kanyang anak. Iniintindi ni Dennis kung may mga pagkakataong hindi sila magkita o makapag-usap dahil nais din ng kanyang anak na umiwas sa gulo sa pagitan ng kanyang mga magulang. 

Sa blind item lamang unang nabalitaan ni Dennis ang tungkol sa pagpapalit ng surname ni Julia, ngunit hindi niya ito agad binigyang-pansin. Aminado siya na bilang ama ay nagkaroon din siya ng mga pagkukulang.

“Noong una sabi ko, may karapatan naman sina Marjorie, sina Julia na alisin [ang surname ko]. Ever since nag-separate kami [ni Marjorie], naging unstable ‘yung career ko.. political at showbiz. Eventually, nitong past three years, talagang hindi na ako nakapagbigay [ng sustento],” kwento ng aktor sa Startalk.

Sa tulong ng kanyang pamilya at kaibigan, nagdesisyon si Dennis na ipaglaban ang kanyang karapatan.

Aniya, “With Julia, I think she should retain my family name as legal name because anak kita eh.”

“We filed a motion to intervene. Pero syempre, didinigin ng husgado both sides,” saad niya.

Ngunit kung sakaling pumanig ang hukom sa mag-ina, tatanggapin daw ito ni Dennis.

“Siguro magkakaroon ka lang ng pain na habang buhay mo dadalhin pero ‘yung pagmamahal pareho pa rin. Kasi pag nagkaasawa siya, nagkaanak siya, doon niya malalaman ‘yung importansya ng ipinaglalaban ko,” naiiyak na sambit ng aktor.

Nais din ni Dennis na hindi na madamay ang kanilang mga anak sa gulo niya at ni Marjorie.

“Sabi ko, I don’t think Julia would do that to me. Siguro kasi parang ang bata pa niya eh para maging ganun. Too young to have this kind of issue. Nabanggit ko ‘to kay Julia na you’re already using naman Julia Barretto as screen name. Hindi naman siguro makakabawas ng pagkatao mo ‘yung Baldivia ‘yung legal name,” sabi nito.

Ang kanyang huling mensahe para sa anak, “Julia, lahat kayong mga anak ko mahal ko kayong pantay pantay. Hindi mo kailangan ‘to, mas kailangan mo galingan ‘yung pag-aartista.”
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.