Tom Rodriguez speaks up about his bed scenes with Lovi Poe and Max Collins for 'Someone to Watch Over Me'
“Grabe, sobrang swerte ko" - Tom
Nang tanungin si Tom Rodriguez sa press conference ng Someone to Watch Over Me tungkol sa separate love scenes niya with Lovi Poe (bilang Joanna) and Max Collins (bilang Irene,) ipinahayag ni Tom: “Grabe, sobrang swerte ko po. Sobrang swerte ko po.”
Ngunit bago pa niya ma-“defend” ang sarili niya, pabirong sinabi ni Lovi na “swerte” nga si Tom. Aniya, “Nung umaga si Max 'yung kay love scene niya. Tapos nung lunch time, nag-shower lang po siya, then ako na.”
On a serious note, ipinaliwanag ni Tom na swerte siya dahil very professional si Max at Lovi. Ika nga niya, “Napaka-swerte ko dahil napaka-professional nila. Handa sila ibigay ang lahat ng kailangan, para magawa at maipakita ng tama ang mga ganung tipo ng eksena. Kaya, grabe, hats off to these two. Ang galing nila sobra.”
Abangan ang istorya ni Joanna, TJ, at Irene sa Someone to Watch Over Me, pagkatapos ng Descendants of the Sun.
More on Someone to Watch Over Me:
Lovi Poe talks about her love scene with Tom Rodriguez