TV

Vincent Magbanua, masaya sa comedy role sa 'Prinsesa ng Buhay Ko'

Updated On: March 20, 2020, 05:40 PM
Nakilala ang child actor na si Vincent Magbanua sa kanyang pagganap bilang batang Malaya sa 'Indio'. Sa kanyang kasalukuyang proyektong 'Prinsesa ng Buhay Ko', ibang Vincent ang mapapanood ng mga tao dahil mas magaan at mas kuwela ang karakter niya.

Nakilala ang child actor na si Vincent Magbanua sa kanyang pagganap bilang batang Malaya sa Indio. Sa kanyang kasalukuyang proyektong Prinsesa ng Buhay Ko, ibang Vincent ang mapapanood ng mga tao dahil mas magaan at mas kuwela ang karakter niya.

Paglalarawan ni Vincent, “’Yong role ko po, nagtitinda lang rin po sa palengke. Kaibigan ko po ‘yong role ni Kuya Jan (Manual) pero lagi kaming nag-aasaran.”

Pagpapatuloy niya, “May crush po ako kay Ate Kris (Bernal) dito, kaya po ‘pag may nanliligaw sa kanya, parang nagseselos din po ako.”

Kumusta naman si Vincent sa set? Sino kaya ang pinaka-close niyang miyembro ng cast?

Sagot niya, “Masaya po, kasi sumasayaw din po kami tapos ‘yong mga asaran po namin ni Kuya Jan, doon po ako nasisiyahan.”

Nami-miss din daw ni Vincent ang pagganap niya sa Indio dahil marami siyang natutuhan dito. Masaya rin siya kahit paano dahil ibang atake sa acting naman ang nagagawa niya sa Prinsesa ng Buhay Ko.

Ayon sa kanya, “Magkabaliktad po ‘yong role ko sa Indio at ‘yong ngayon. ‘Yong sa Indio, puro iyak-iyak po, pero dito, lagi pong masaya. Pareho ko naman pong gusto.”

Kung siya naman ang papipiliin ng kanyang susunod na proyekto, ano ang gusto niyang gampanan?

Mabilis niyang sagot, “Action po. Mahilig po ako sa mga fight scenes, kagaya po sa Indio.”

Hindi ba siya nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista?

Ani Vincent, “Hindi naman po, kasi dala ko naman ‘yung mga libro ko at palagi ko pong binabasa. Math po ang favorite subject ko.”

Ano ang reaksyon ng mga kaklase niyang nakakapanood sa kanya sa telebisyon?

“Congrats daw po, tapos nang-aasar din minsan. Lagi rin po kaming masaya kasi lagi kaming nagkukuwentuhang magkakaklase at magbabarkada,” wika niya.

Ano-ano naman ang mga nami-miss niyang gawin na hindi na niya masyadong nagagawa ngayon dahil busy siya sa eskuwela at sa showbiz?

“’Pag nasa Palawan po ako lagi po akong nagba-basketball at lumalangoy po sa ilog o sa dagat. Doon po kami laging magkakasama ng mga kaibigan ko,” pagbabahagi niya.

Kasalukuyang napapanood si Vincent Magbanua sa Prinsesa ng Buhay Ko, bago mag-24 Oras sa GMA Telebabad. - Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.