Si Rita ang unica hija ng kanyang daddy na si Daniel. Namatay ang kanyang mommy noong bata pa lamang siya kaya't mag-isa siyang pinalaki ng ama. Dahil nag-iisang anak, lumaki si Rita na tila isang prinsesa at lahat ng gusto ay kanyang nakukuha.
Pagawaan ng sabon ang negosyo ng kanilang pamilya. Ang mommy ni Rita ang nagpalago sa kanilang negosyo bago siya namatay at kalauna’y naiwan kay Daniel ang pamamalakad nito. Ngunit mamamatay si Daniel dahil sa isang malubhang sakit kaya't magiging ulila si Rita.
Bago mamatay si Daniel, bibilinan niya si Rita na huwag basta-basta magtitiwala sa kahit na sino. Wala raw itong maaasahan kung hindi ang sarili lamang. Isasapuso ni Rita ang pangaral ng nasirang ama.
Makakasama ni Rita ang sipsip na tiyahin niyang si Deborah sa kanyang paglaki. Gagamitin ni Rita ang naiwang savings ng ama para magsimula ng isang maliit na negosyo - isang pagawaan ng pabango. Dahil sa galing at diskarte niya, mapapalago niya ito. Ngunit ang hindi alam ni Rita, kumikilos nang pailalim si Deborah para maangkin ang kayamanan niya.
Magiging matinik si Rita sa negosyo. Wala siyang pagkakatiwalaan kahit na sino. She makes impossible demands at kapag hindi ito nagagawa, pinapatalsik niya ang mga empleyado niya. Hindi man siya naninigaw, her cold treatment is enough to scare the people around her. Dahil sa kasamaan ng ugali, marami ang magagalit sa kanya.
Magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni Rita nang ma-diagnose siya with gastric cancer tulad ng kanyang ama. Tataningan siya ng doctor at mayroon na lamang daw siyang tatlong buwan bago bawian ng buhay.
Magdedesisyon si Rita na ipamigay ang ilan sa kanyang mga ari-arian sa tiyahing si Deborah at ido-donate naman niya ang kanyang ibang assets sa iba't-ibang charities. Dahil malapit na rin siyang mamatay, gugustuhin niyang maranasang umibig ngunit mabibigo siya. Susubukan niyang magpakamatay pero hindi niya ito magagawa. Magbabayad siya ng hitman para ipapatay ang sarili.
Ngunit 'di kalaunan, malalaman niyang she was misdiagnosed. Hindi pala siya mamamatay anytime soon! Ngayong wala palang taning ang buhay niya, gustong bawiin ni Rita ang lahat ng pera niya pero huli na ang lahat. Ipagkakait ni Deborah ang perang ibinigay sa kanya ni Rita. Maski ang charities na binigyan niya ng pera ayaw na ring isoli ito. She's left with almost nothing.
Wala na ngang pera si Rita may humahabol pa sa kaniyang hitman. Susulsulan pa ni Deborah ang hitman para matuloy ang pagpatay sa pamangkin. Kung saan-saan magtatago si Rita. Sa kabutihang palad, may limang batang yagit na tutulong sa kaniya. Ito ay sina Kyla, Rambo, Charisse, Apol at Girlie.
Magiging masaya na ba si Rita ngayon kahit hindi na siya mayaman? Ano-ano ang naghihintay na misadventures para sa kanya at sa mga batang ituturing niyang pamilya? Ito at marami pang iba ang mga aabangan sa Poor Señorita.