EXCLUSIVE: Pet dog ni Jak Roberto na si Jmi, totoo bang may talent fee sa 'Meant To Be?'
Ibinuko siya ni Jak!
Certified celebrity na ang pet dog ng Kapuso primetime star na si Jak Roberto.
LOOK: Bakit naiinggit ang netizens sa pet dog ni Jak Roberto?
Bumabaha ng likes at comments sa Instagram ni Jak sa tuwing magpo-post ang guwapong binata ng selfie niya kasama si Jmi.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Meant To Be hunk nitong January 27, nagkuwento ito patungkol sa makulit niyang alaga.
Saad ni Jak, “Si Jmi pet ko 'di ba siya sa bahay, magulo ‘yun sobra! Kasi Jack Russell Pug siya, so ‘yung pagka-pug niya makulit. Ngayong 'pag nako-caught ko ‘yun nang tahimik, tinatabi ko siya sa akin dun lang kami nakakapag-picture… rare moments 'yun 'pag hindi siya makulit.”
Bukod sa pagiging Instagram star ni Jmi, napapanood din ito sa high-rating primetime show na Meant To Be bilang pet ni Andoy na ginagampanan ni Jak Roberto.
Ayon kay Jak, hindi na raw siya nag-atubili na pumayag nang hilingin ng show na lumabas sa telebisyon si Jmi.
Tinanong ng GMANetwork.com kung totoo bang may talent fee si Jmi sa Meant To Be?
Pag-amin ni Jak, “Mayroon! Mas mataas pa nung nag-uumpisa ako. Ganun ang biruan namin sa set na parang buti ka pa mas mataas pa ‘yung TF mo, nung ako nagsisimula hindi ganyan.”
Dagdag pa ng Kapuso actor na super proud siya na nakilala rin ang kaniyang adorable best friend.
“Kinuha siya tapos nag-plug shoot kami ‘yung una niyang exposure na ipinalabas sa bawat [cinema bago magsimula ‘yung bawat MMFF entry]. So, na-proud naman ako dun. Mas proud ako sa dog ko [giggles] kaysa sarili ko nung time na ‘yun.”
MORE ON JAK ROBERTO:
LOOK: "Abs ng Bayan" Jak Roberto's post with Jennylyn creates online buzz