Magpakailanman presents "The Real Carrot Man: The Jeyrick Sigmaton story"
Kilalanin ang tunay na "Carrot Man."
Isang litrato… posible bang magpabago ng buhay ng isang tao?
Pebrero ng taong ito nang makita sa Mountain Province ang isang lalaki na may buhat na basket ng carrots at dahil sa kanyang good looks, naging viral ang kanyang litrato at ngayon ay kinikilala na sya bilang si “Carrot Man”
Bata pa lang ay mulat na sa kahirapan si Jeyrick.
Nagtratrabaho sa bukid ang kanyang mga magulang at bilang panganay sa anim na magkakapatid, alam ni Jeyrick ang kanyang kailangang gampanan sa buhay. Elementarya lamang ang kanyang natapos at sa edad na trese anyos nagtrabaho na sa bukid si Jeyrick para makatulong sa kanyang pamilya.
Dahil lumaki sa kabundukan ng Mountain Province, mabibigat na gawaing pang-bukid ang kanyang hinaharap dagdag pa ang pagkakalayo sa pamilya.
Hanggang isang araw na nasa bukid si Jeyrick, may nakakita sa kanyang taga Maynila, kinunan sya ng litrato at video. dahil kapansinpansin ang pagkakaroon nya ng maamong mukha at pagkakahawig sa mga sikat na artista ng Korea at Taiwan.
Pinagkaguluhan ito ng netizens at binansagan syang “Carrot Man” Abangan si Jake Vargas sa isang natatanging pagganap bilang “Carrot Man”.
Makakasama din sina Epy Quizon, Tess Antonio, Lou Veloso, Tess Bomb, Ana Castro, Faith da Silva, Lharby Policarpio, Jacob Vargas, Lloydie Sarmiento at Sachi Manahan.
Abangan din ang espesyal na pagganap ni Jeyrick Sigmaton.
”The Real Carrot Man: The Jeyrick Sigmaton Story ” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Loi Argel Nova at pananaliksik nina Angelito Launo at Cynthia delos Santos.
Tutukan 'yan ngayong Sabado, June 25 at 7:45 pm sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman.