About the Show
TV

Magpakailanman presents “Pinutol na Kaligayahan: The Lenlyn and Lito Bayabado Story”

Updated On: October 1, 2020, 12:37 AM
Simple lang ang gusto ni Lenlyn sa buhay, ang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga anak—at ang makasal na sila sa wakas ng minamahal niyang si Lito. Pero nang malaman niyang hindi lang pala siya ang babae sa buhay ng lalaki, nagdilim ang kanyang paningin at tuluyang pinutulan ito ng kaligayahan.


Babaerong mister, tinanggalan ng pagkalalaki!

Simple lang ang gusto ni Lenlyn sa buhay: ang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga anak—at ang makasal na sila sa wakas ng minamahal niyang si Lito. Pero nang malaman niyang hindi lang pala siya ang babae sa buhay ng lalaki, nagdesisyon siya na iwan na lang ito. Na isama na lang ang mga anak at mamuhay ng tahimik sa probinsya.

Nang makiusap si Lito at ang kanilang mga anak kay Lenlyn na magbabago na siya, nagawa nitong kumbinsihin ang babae na ‘wag umalis at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Lito.

Pero hindi nagbago ang lalaki. Ang masama pa, nakipagrelasyon ito sa matalik na kaibigan ni Lenlyn!

Sa pagkakataon na ito, pagod na si Lenlyn sa mga palusot ni Lito. Dala ng galit at muhi, nagawa niyang putulin ang ari ng lalaki!

Ito ang magtutulak kay Lenlyn na tumakbo, kasama ng mga anak, palayo sa lalaki—takot na ipakulong siya nito!

Habang si Lito naman ay hindi alam ang gagawin sa sarili, kung kakasuhan ba ang babaeng nagkastiga sa pagkalalaki niya—gayong alam niyang pati siya ay masisira sa mga kakilala nila! At higit pa, magagawa bang maibalik ni Lito ang kaniyang pagkalalaki?

At ano ang mangyayari sa kanilang muling paghaharap ni Lenlyn? Magagawa ba nilang magpatawad, o mabubuhay bang muli ang kanilang galit sa isa’t-isa?

Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman, June 28, pagkatapos ng MARIAN!

“Pinutol na Kaligayahan” stars Sunshine Dizon, Mark Anthony Fernandez, Rap Fernandez, and Vaness del Moral, sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Vienuel Lavina Ello, at sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.