TV

Magpakailanman presents "My Psychotic Husband"

Updated On: August 10, 2020, 02:51 PM
Magagawa bang pagalingin ng pagmamahal ang sakit sa pag-iisip? Panoorin ngayong Sabado sa Magpakailanman.

Masaya ang pagsasama ng mag-asawang Abet at Emily...hanggang sa ma-issue ang huli na may kalaguyong ibang lalaki at baka ang ipinagbubuntis raw nito ay hindi talaga anak ni Abet.

Dahil sa stress at sa tsismis, magkakaroon ng isang psychotic breakdown si Abet na magtutulak kay Abet na mawala ang katinuan. Bagay na siya namang magtutulak kay Emily na ilayo ang mga anak niya, sa takot na masaktan ni Abet ang kanilang mga anak.

Malaki ang naging dagok nito sa buhay ni Abet. Pero nilabanan niya ang kaniyang psychosis. Pinilit niyang gumaling. At nagawa niya ito sa piling ni Joy--na kahit alam ang kaniyang pinagdaanan, pinili pa rin siyang mahalin.

Pero nang mabuntis si Joy ay muling nagbalik ang pagkapraning ni Abet. Katulad ba si Joy ng una niyang asawa? Iiwan rin ba siya nito para ilayo ang kanilang magiging anak?

Magagawa bang pagalingin ng pagmamahal ni Joy ang sakit sa pag-iisip ni Abet?

Sundan ang kanilang kuwento, at alamin kung ano ang kinahantungan ng kanilang mga buhay, ngayong Sabado sa Magpakailanman.

"Sa Piling ng Isang Psycho" stars Gabby Eigenmann, Alessandra de Rossi, and Lovi Poe, under the direction of Maryo J. delos Reyes, with a script by Aloy Adlawan based on the research of Karen Lustica and Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, March 22, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko Year 2.
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.