Magpakailanman presents “Mga Bagong Mandirigma: The Life Stories of Eduard Folayang and Mark Sangiao”
Published On: February 28, 2014, 06:35 PM
Updated On: November 7, 2020, 02:33 AM
Ano ang kaya mong ipagpalit para sa iyong mga pangarap? Kaya mo bang isugal ang iyong pamilya? Kaya mo bang talikuran ang kinabukasan na may kasiguraduhan? Itinatampok sa "Mandirigma" episode ng Magpakailanman ang muling pagsasama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez matapos ng kanilang successful na pagganap mula sa 'My Husband’s Lover'.
Ano ang kaya mong ipagpalit para sa iyong mga pangarap? Kaya mo bang isugal ang iyong pamilya? Kaya mo bang talikuran ang kinabukasan na may kasiguraduhan?
Ito ang mga tanong na hinarap nina Eduard Folayang at Mark Sangiao, dalawang athletes sa isang sport na hindi kinilala at hindi sineryoso ng mahabang panahon: ang Mixed Martial Arts; sport na kanilang ipinaglaban, at ipinagmalaki hanggang makuha nito ang recognition mula sa mga kapwa Pilipino.
Pero bago makamit ang recognition na ito, ano ang mga naging kapalit sa kanilang buhay?
Paano nagawang pagsabayin ni Mark ang kaniyang pagiging coach at athlete sa kaniyang pagiging padre de pamilya? Paano niya nagawang kumbinsihin ang misis niya na maniwala sa kaniya... sa maaari niyang marating?
At paano nagawang mapapayag ni Eduard ang kaniyang mga magulang na pasukin niya ang isang sport na walang kasiguraduhan... kung saan maraming pagkakataong maaari siyang mawalan lalo ng kinabukasan?
Sundan ang kanilang mga kuwento ng paghihirap, ng pakikipagsapalaran, at ng kanilang tagumpay—ngayong Sabado, March 1, sa Magpakailanman. Pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.
Itinatampok sa “Mandirigma” episode ng Magpakailanman ang muling pagsasama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez matapos ng kanilang successful na pagganap mula sa My Husband’s Lover. Kasama rin nila sa episode na ito sina Sheena Halili, Andrew Schimmer, Snooky Serna, at Mr. Bembol Roco; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Jules Katanyag mula sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.