Happy lang sa 'Little Nanay!'
Nagpamalas ng saya ang 'Little Nanay' cast nang harapin nila ang press kahapon, November 10.
Hosts
Sinimulan ng hosts at 'Little Nanay' stars na sina Rafa Siguion-Reyna at Jinri Park ang masayang gabi.
Nora Aunor
Ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor (Lola Annie) ang kauna-unahang cast na lumabas sa stage.
Bembol Roco
Sinundan naman siya ng isa pang batikang aktor na si Bembol Roco (Lolo Berting), ang gaganap na asawa ni Lola Annie.
Mark Herras
Siyempre, panganay muna bago ang mga kapatid. Maging handa sa naiibang role ni Mark Herras bilang Peter Parker.
Juancho Trivino
Narito naman ang nakababatang kapatid ni Peter Parker na si Bruce Wayne, ang character ni Juancho Trivino.
Kris Bernal
Please welcome, Tinay, ang pinaka-adorable na bida ng 'Little Nanay' na gagampanan ni Kris Bernal.
Gladys Reyes
Hindi todong kontrabida ang role ni Gladys Reyes na si Vivian dahil minsa'y inaapi siya ni Lola Annie.
Eddie Garcia
Ang nag-iisang Manoy ng industriya na si Eddie Garcia ay magpapatawa bilang si Don Miguel.
Ricky Davao
Ibinahagi ng 'Little Nanay' director na si Ricky Davao ang ginawa nilang pag-aaral sa mentally-challenged persons tulad ng role ni Tinay.
Comments