Filtered By: TV
TV

Gladys Guevarra at Pekto, dapat daw kabahan sa gagawin nina John Feir at Betong sa 'Lip Sync Battle Philippines!'

By FELIX ILAYA
Updated On: March 16, 2020, 07:47 AM

Kakaibang 'Lip Sync Battle Philippines' ang mapapanood ngayong Sabado, kaya huwag itong palagpasin!

Kakaibang Lip Sync Battle Philippines ang mapapanood ngayong Sabado dahil magtatapat at maglalaban ang dalawang koponan para sa Lip Sync Battle championship belt.

Ang unang grupo ay binubuo nina Betong at John Feir.  Makakaharap naman nila sina Gladys Guevarra at Pekto. Doble-doble ang mga komedyante na maglalaban-laban ngayong Sabado (March 12) kaya doble-doble rin ang saya!

Habang nagre-rehearse si Betong, nakapanayam siya ng GMANetwork.com upang alamin ang kanilang mga paghahanda sa kanilang nalalapit na laban.

Aniya, "Ako personally, ang paghahandang ginawa ko, nakatingin sa salamin [tapos] titignan 'yung buka ng bibig ko. Ang hirap mag-memorize 'eh, lalo na 'yung kanta namin hindi talaga siya OPM, music icon 'yung gagayahin namin. 'Tsaka palagi kaming nagtatawagan ni Kuya John (Feir)."

Hindi naging madali ang lahat para kina Betong at John Feir sapagkat mayroon din naman silang mga challenges na kinailangang lagpasan.

"Kailangan pag-aralan talaga namin 'yung kanta. Siguro halos araw-araw naming pinakikinggan 'yung kanta. Tapos 'eto since first time na duet, dalawa kami, parang challenging kasi kailangan naming i-divide 'yung mga parts. At the same time, mayroon pang choreography and costume so 'iyon 'yung medyo challenging."

Kahit intimidated sila sa kanilang mga kalaban, handa pa rin silang ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.

"Actually wala kaming makitang edge namin (laughs). Noong nalaman kong Gladys Guevarra at Pekto, parang 'wow!' Hindi sa minamaliit ko 'yung team namin pero alam mo naman si Ate Gladys talagang performer 'yan, buwis-buhay. So 'di ko alam kung ano ang gagawin niya dito. Kami naman inisip lang namin na 'Basta ibigay natin 'yung best natin and let's have fun, i-enjoy lang natin 'yung number.'"

Ayon kay Betong, dapat lang daw na kabahan sina Gladys at Pekto sa kanilang paghaharap sa Lip Sync Battle Philippines.

"Well, humanda sila 'noh dahil kung kami kinakabahan, mas kabahan sila. (laughs) Masaya 'toh kasi first time na [mga] komedyante 'yung maglalaban-laban so pagalingan na lang tayo sa showmanship, sa mga costumes, props, at sa mga dancers namin na matitindi. Siguro kung sila, mabibigay nila 'yung pinaka galing nila, kami gagawin namin ito ng may puso."

Panoorin ang pre-show interview nina Betong at John Feir below upang malaman kung ano ang dapat abangan ngayong Sabado sa Lip Sync Battle Philippines.



MORE ON LIP SYNC BATTLE PHILIPPINES:

Kapuso agency partners experience 'Lip Sync Battle Philippines' 

Kris Bernal performs ‘And I Am Telling You’ (Opening Round) | Lip Sync Battle Philippines 

Aljur Abrenica performs Blakdyak’s "Modelong Charing" | Lip Sync Battle Philippines

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.