TV

Gladys Reyes is more inspired to star in movies now

Updated On: February 18, 2020, 09:01 PM
'Let the Love Begin' star Gladys Reyes admits that her comfort zone is doing soaps. Is she ready to take on the silver screen? 
By MICHELLE CALIGAN


 
Isa si Let the Love Begin actress Gladys Reyes sa mga hinahangaang kontrabida mapa-teleserye man o pelikula. Kaya hindi na nakapagtataka nang masungkit niya ang Best Supporting Actress award sa 38th Gawad Urian Awards noong nakaraang linggo.
 
 
Ito ang kauna-unahang parangal na natanggap ni Gladys para sa pelikula. Nahirang na siya dati bilang Best Drama Actress sa PMPC Star Awards para sa Saan Ka Man Naroroon.
 
In an interview with the entertainment press on the set of Let the Love Begin, ikinuwento ng batikang aktres kung bakit bihira siyang gumawa ng pelikula.
 
"Kasi nga po hindi ako palagawa ng pelikula. I find it na parang mas mahirap, mas matagal. Kasi masyado akong naging kumportable sa soap. For the longest time, parang mas naging at home ako mag-teleserye. Feeling ko ito na ang comfort zone ko, so medyo na[hirapan] akong lumabas sa comfort zone ko."
 
Pero nabago raw ito nang gawin niya ang Barber's Tales at Magkakabaung, ang pelikulang nagbigay sa kanya ng Urian.
 
"After doing Barber's Tales at Magkakabaung, na-inspire ako kasi sabi ko nga po ito 'yung dalawang pelikulang nagbigay ng pagkakataon sa akin na bukod sa pang-aapi at pananakit sa bida, mayroon pa pala akong puwedeng ipakita."
 
Dagdag pa niya, "Nakakatuwa naman po kasi first indie ko ang Barber's Tales, sumunod ang Magkakabaung, pero parehong materyal na magaganda. Both internationally acclaimed."
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.