TV

'Kusina Master' mapapanood na sa mas pinahabang oras

Updated On: August 23, 2020, 11:54 PM
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Chef Boy Logro, ano pa nga ba ang hihigit pang regalo sa matinding pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang supporters?


Chef Boy Logro magdiriwang ng kaarawan sa Kusina Master


Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Chef Boy Logro, ano pa nga ba ang hihigit pang regalo sa matinding pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang supporters?

Ang kanyang programang Kusina Master ay talaga namang minahal at naging bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino.

Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng programa ay mapapanood na ito sa mas pinahabang oras (45 minutes) simula July 9.

Hindi naman makapaniwala si Chef Boy sa magandang regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan. “Alam niyo, hindi ko akalain na magiging ganito ka-successful ang Kusina Master. Sobrang biyaya ang binibigay ng Panginoon. At ngayong birthday ko, isang magandang regalo ang pagka-extend ng oras ng aming programa. Kaya marami pa kaming maihahandog sa mga patuloy na sumusuporta sa amin.”

Samantala, haharapin ni Chef Boy ang mga matitinding challenges sa pag-level up Master X”, isang five-minute cooking challenge segment kung saan hahamunin ang kanyang kakayahan sa pagluluto. Makayanan kaya niya ang bawat hamon?

Alamin rin ang mga sikreto ng mga Kapuso stars sa paghahain ng mga katakam-takam na pagkain.

Sa mas pinahaba nitong oras, paniguradong mas masaya at mas maraming matutunan ang bawat manonood sa Kusina Master, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7.
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.