Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng Kusina Master, handa na si Chef Boy Logro para sa mga katakam-takam na hamon na kanyang haharapin sa pagsisimula ng Season 2 ng Kusina Master.
Sa panibagong season, lalong dadami ang mga matutunan ng mga manonood dahil ang Kusina Master ay mapapanood na ng 30-minutes.
Madadagdagan na naman ng rason ang bawat Kapuso para ma-enjoy ang masarap at malinamnam na tanghalian dahil sa Season 2 ay may mga panibagong handog ang programa na ikatutuwa ng mga tagapanood.
Araw-araw ay susubukin ang kakayahan ni Chef Boy na lutuin ang isang pagkain sa loob lamang ng ilang minuto. May makakasama rin siyang celebrity guest na magiging katuwang niya sa paghahanda ng mga masasarap na “recipe of the day”.
Kaya huwag ng palampasin ang mga katakam-takam na ikalawang season ng Kusina Master simula March 19, 2012, Lunes hanggang Biyernes, bago ang Eat Bulaga sa GMA 7.