EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, proud sa tagumpay ni Carla Abellana sa Alta Media Icon Awards
Nasungkit ng Kapuso leading lady ang Best Comedy Actress for TV sa 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help.
Labis ang kasiyahan ng Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix sa award na natanggap ng kaniyang co-star sa hit Sunday night sitcom na Ismol Family na si Carla Abellana.
Wagi ang Kapuso leading lady sa 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help kung saan nasungkit niya ang Best Comedy Actress for TV.
Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com kay Miguel, sinabi nito na nakaka-proud na isa sa mga kasama niya sa sitcom ang pinarangalan sa husay nito sa pagpapatawa.
“Hi Ate Carla yes of course dahil nanalo ka po ng comedy award niyo po, gusto ko po kayong batiin nang congratulations dahil nakaka-proud po dahil magkasama po tayo na show na Ismol Family and continue niyo lang po ‘yung pagiging funny, continue niyo po ‘yung pagiging professional niyo po, dahil napakasarap niyo pong katrabaho,”
Hangad din ni Miguel na makatrabaho niya muli ang award-winning Kapuso actress.
“Maraming salamat po sa mga pakikitungo niyo po sa aming lahat dahil alam ko po na mabuti po kayong tao and then [I hope] to work with you ng maraming-maraming beses pa po. Congrats po and many more to come.”
More on MIGUEL TANFELIX:
Netizens greet Miguel Tanfelix on his 18th birthday
James Teng natakot ba sa fans ng BiGuel nang makapareha si Bianca Umali sa 'Ismol Family?'