The year is 2000. Millenium. Nag-surive ang mundo sa Y2K scare. At kaka-release lang ng kantang "Say My Name" ng Destiny’s Child, ang paboritong singer ni Marides. "Say My Name" rin ang kantang nagpe-play nang unang magkita sina Marides at Kenneth sa freshmen college orientation.
Si Des ay scholar mula sa Baguio. Simple pero may itinatagong ganda. First time niyang makarating sa Maynila kaya't may pagka-jologs.
Si Kenneth naman ay high school varsity na bagong sali sa college basketball team. Lahat ng tao’y excited pagpasok niya sa team. Medyo pressured siya pero confident pa rin. Guwapo, maraming chicks at conyo. Kahit magkaiba sina Ken at Des ng mundo, tila gumawa ng paraan ang destiny para magkakilala sila. And it was love at first sight.
Paghihiwalayin ng ate ni Des na si Gracia ang kapatid at si Ken at tuluyan nang mawawalan ng komunikasyon ang dalawa.
Manganganak si Des ng fraternal triplets at papangalanan niya ito ayon sa una niyang pagkakataon na makita ang mga anak. Limang minuto ang bawat pagitan ng triplets.
Minsan, tatakas siya para kausapin sana si Ken pero makikita niyang may ibang babaeng lumalandi kay Ken. Iisipin niyang ipinagpalit na siya agad. Papalakihin ni Des ang tatlong anak pero nang sila’y 6 years old pa lamang, mamamatay si Des.
Fifteen years later, si Ken ay isa nang sikat na chef. He is Manila’s hottest bachelor. At 31, he’s still single. He dates around pero wala siyang sine-seryoso. Ang totoo, mahal pa rin niya si Des at paminsan-minsan ay iniisip pa rin niya kung nasaan
na ito.
Dumating ang panahon na gusto na ni Ken na magpakasal. Pero dahil wala silang closure ng kanyang first love, naisip niyang ipahanap si Des sa isang private investigator. Nalaman ni Ken na patay na si Des pero nagulat siya nang malaman na may fraternal triplets pala silang anak ni Des.
Pupuntahan ni Ken ang mga anak niya only to find out na kasama sila ng kanilang Tiya Gracia. Buong akala ng mga bata ay patay na si Ken. Iyon kasi ang sinabi ng kanilang tiyahin.
Inamin ni Gracia na ginawa niya ito para hindi na sila magtanong tungkol sa ama nila. Gustong kunin ni Ken ang mga anak niya kay Gracia. Pero ayaw ibigay ito sa kanya. Kung kukunin niya raw ang tatlo… kasama rin siya!
The bachelor is now an instant daddy to three teenage girls. Maliban sa wala siyang alam kung paano maging ama, mahihirapan siya na iba-iba ang personalidad ng kanyang tatlong anak. Maninibago rin ang tatlong girls sa bago nilang buhay. Hindi sila sanay sa buhay Maynila lalo na sa lifestyle ng kanilang ama. Lahat sila ay may kani-kaniyang teenage issues na hinaharap.
Isa sa teenage issues na mararanasan nila Ken at ng mga bata ay nang mabuntis si Yumi. Hahayaan ba ni Ken na magsama ang young couple o ilalayo niya ang anak kay Dwight tulad ng ginawa noon ni Gracia sa kanila ni Des? Marami pang teenage issues ang mapag-uusapan sa masaya at heartwarming na InstaDAD.