Jak Roberto, nagkuwento tungkol sa kanyang character sa 'Hanggang Makita Kang Muli'
Napapanood ngayon si Kapuso actor Jak Roberto bilang Elmo sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli.
Siya ang best friend at kapwa Psychology student ni Calvin (Derrick Monasterio) na tutulong sa pagsagip kay Ana (Bea Binene).
WATCH: Ang pagdating ni Calvin
Ano naman kayang mga preparasyon ang ginawa ni Jak bilang paghahanda sa kanyang role?
"Ang magde-define naman noong character is 'yung mga writer, but siyemnpre as an actor you have to do some research pa rin para sa sarili mo," kuwento ni Jak sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.
Gusto daw ipakita ni Jak na hindi lang basta estudyante si Elmo, kundi isang binatang nagsasanay para mag-aruga ng ibang tao bilang isang doktor. Kaya naman nag-research siya ng mga kilos ng mga doktor, partikular na ang mga psychiatrist para maipakita niya ito sa mga manonood.
Isang hamon din para sa kanya ang makatrabaho ang direktor ng Hanggang Makita Kang Muli na si Laurice Guillen.
"Alam natin na direk Laurice Guillen is a very good director. Talaga namang every scene na gagawin talagang tutok siya," panimula ni Jak.
"Hindi namin binababa 'yung chacracter. Pagdating namin sa set, kailangan memorize na namin 'yung script—drop script na to be professional. Gusto ni direk Laurice Guillen, you know your script na pagdating mo sa set," dagdag niya.
READ: Hamon para kay Laurice Guillen ang pambihirang kuwento ng 'Hanggang Makita Kang Muli'
Gayunpaman, masaya si Jak na makatrabaho ang direktor, pati na ang iba niyang co-stars.
"Iyun pa lang very challenging na. Working with direk Laurice Guillen is an honor for us. Masayang masaya kami! Ganoon 'yung challenge namin sa isa't isa," paliwanag ng aktor.
Abangan si Jak bilang si Elmo sa Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Wish I May sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON HANGGANG MAKITA KANG MULI:
WATCH: Pagsagip ni Calvin
READ: Raymart Santiago, saludo kay Bea Binene