WATCH: Glaiza de Castro, Solenn Heussaff at Rocco Nacino, pupunta sa Middle East para sa 'Avisala, UAE!'
Encantadiks abroad, mayroong sorpresa sa inyo ang iconic GMA telefantasya dahil aalis muna sa Encantadia sina Sang'gre Pirena, Cassiopea at Aquil para maka-bonding n'yo sila d'yan sa Middle East!
Ngayong darating na October 7 at 8, may chance na kayong makasalamuha sina Glaiza de Castro, Solenn Heussaff at Rocco Nacino dahil pasisiyahin nila kayo sa GMA Pinoy TV event na "Avisala, UAE!"
"Meron kaming fan meeting so definitely makaka-bonding namin sila, may picture taking," bahagi ni Glaiza sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag pa ni Solenn, "I think may elementary school visit din. So iba't ibang klase [ng fans ang makaka-bonding namin], may mga lalaki, may mga bata."
Huwag palampasin ang pagkakataong makita sila nang personal at siguraduhing pupunta kayo sa Khalidiyah Mall, Abu Dhabi, UAE sa October 7 at 8, 2:00 p.m.
Video from GMA News
MORE ON ENCANTADIA:
EXCLUSIVE: The 'Encantadia' hotties by encantadia2016
LOOK: Glaiza de Castro at Neil Ryan Sese, bagong love team sa 'Encantadia?'
EXCLUSIVE: Sanya Lopez, ginagamit ang traits ni Danaya sa tunay na buhay