TV

Ken Chan, hindi napigilang maging emotional sa presscon ng 'Destiny Rose'

Updated On: June 5, 2020, 12:35 PM
Bakit nga ba napaluha ang aktor sa press launch ng pinakabagong Afternoon Prime offering ng GMA?
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

"Unang una po, sobra po akong masaya na [ako ang] napili."

Ito ang simula ng sagot ni Ken Chan nang tanungin ng entertainment press kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng lead role. Si Ken ang magbibigay buhay sa title role na Destiny Rose, ang pinakabagong Afternoon Prime series ng Kapuso network.

READ: A tale of love and family in Destiny Rose 

Pero bago pa man niya ito madugtungan ay hindi niya napigilang maging emotional, kaya bigla na lamang naiyak ang young actor.

Pagpatuloy niya, "Sobrang masayang masaya po talaga ako na nabigyan ako ng GMA ng ganitong klaseng role. Sobrang nagpapasalamat po ako sa mga boss po natin. Maraming, maraming salamat po. Sobrang walang kasing saya po ang nararamdaman ko ngayon."

Walang araw daw na malungkot si Ken mula nang ipagkatiwala ng GMA ang proyektong ito sa kanya.

READ: Ken Chan is contented in playing supporting roles 

"Araw-araw po akong masaya because of Destiny Rose. Excited po akong pumupunta sa taping. Sobrang nao-overwhelm lang po ako na nakakatrabaho ko ang mga magagaling at batikang aktor na katabi ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala."

?Pagkatapos ng press conference, ipinaliwanag ni Ken kung bakit siya nagiging emotional sa tuwing tinatanong siya ng kanyang nararamdaman.?

?"Sobrang naramdaman ko ulit ngayon ang naramdaman ko noong tumawag sila sa akin na nakuha ko 'yung role. Ang sarap sa feeling talaga ang gawin ang ganitong klaseng kaganda na teleserye."

LOOK: Ang pagbabagong anyo ni Ken Chan para sa Destiny Rose 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.