TV

Kris Bernal at Aljur Abrenica, parehong GGSS?

By CHERRY SUN
Updated On: March 3, 2020, 02:58 PM
Ano ang mangyayari kapag pinagsama ang isang babaeng gandang-ganda sa sarili at isang lalaking gwapong gwapo sa sarili?

Ano ang mangyayari kapag pinagsama ang isang babaeng gandang-ganda sa sarili at isang lalaking gwapong gwapo sa sarili?

Walang pumapasang lalaki kay Gigi (Kris Bernal), ang GGSS girl, habang no match din daw sa kakisigan ni Rico (Aljur Abrenica), ang GGSS boy, ang mga nakikilala niyang mga babae.

Ganyan kaganda at kagwapo ang tingin nila sa sarili nila hanggang makilala ni Gigi si James, ang bagong school heartthrob, at makilala ni Rico si Kathleen, ang bagong campus princess. Ang problema nga lang, sina James at Kathleen ay magkarelasyon pala!

 

On and off be like this ?????????? #Soon

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on


Kahit ayaw nina Gigi at Rico sa isa’t isa, magkakampihan at magtutulungan sila para paghiwalayin ang dalawa. Hindi nila namamalayan na unti-unti na pala silang nahuhulog sa isa’t isa. Ang labanan sa dalawang GGSS, mukhang mauuwi sa pag-iibigan.

Huwag palampasin ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, September 25, sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.