TV

Makipagkwentuhan kasama sina David Remo, Angel Satsumi, Gwen Zamora at Ervic Vijandre ng 'Binoy Henyo' ngayong August 30!

Updated On: March 27, 2020, 06:59 PM
Alamin ang latest sa real at reel lives ng inyong paboritong family serye stars sa isang masayang chikahan via GMANetwork.com Live Chat ngayong Biyernes, August 30, mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Alamin ang latest sa real at reel lives ng inyong paboritong family serye stars sa isang masayang chikahan via GMANetwork.com Live Chat ngayong Biyernes, August 30, mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Nakilala natin si David Remo as the lovable Binoy, isang genius at mapagmahal na anak kay Agnes at apo kay Lola Chato. Ngayong nakilala na niya ang kanyang ama na si Francis, paano magbabago ang kanyang buhay?

Si Angel Satsumi naman ang gumaganap bilang si Len-len. Honor student din at ‘di nagpapabaya sa grades si Len-len kaya’t nung una ay kinokompetensya n’ya si Binoy. Ngunit nagkasundo rin sila at ngayon ay mag-bestfriend na.

Si Ervic Vijandre ay si Kuya Lito. Kuya s’ya ni Len-len at s’ya na halos ang nagpalaki at nag-aruga sa nakababatang kapatid simula nang iwan sila ng kanilang mga magulang. Ngayong bumalik na ang kanilang ina – ano kaya’ng idudulot niya sa buhay nilang magkapatid?

Gwen Zamora is Emily Sandoval, s’ya ang asawa ni Francis (Luis Alandi), ang tatay ni Binoy. Ngayong nakilala na ni Francis ang kanyang anak, lalo natakot si Emily na baka iwan s’ya ni Francis at balikan si Agnes. Ano ang kaya niyang gawin para mapalayo sina Francis at Binoy kay Agnes?

Kalma lang! at mag-log on sa GMANetwork.com/livechat bukas, August 30, mula 3 hanggang 5 ng hapon (Philippine time) para makasali sa exclusive online event na ito. Para naman sa exclusive photos and videos ng Binoy Henyo, bisitahin lang ang kanilang homepage sa http://www.gmanetwork.com/entertainment/shows/binoyhenyo.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.