Rich Asuncion on working with ex-boyfriend Ervic Vijandre: "Trabaho lang talaga, so why not?"
Muling magkasama sa iisang TV project ang dating magkasintahan na sina Rich Asuncion at Ervic Vijandre. Sa family-oriented series na Binoy Henyo gaganap si Rich bilang si Josie, ang teacher ni Binoy, habang ni Ervic naman ay si Lito, ang manliligaw ni Josie. In an interview during the press conference of the said show, Rich reveals that they are still friends, at trabaho lang talaga tingin niya sa kanilang pagtatambal sa Binoy Henyo.
"Medyo reluctant, pero inisip ko trabaho naman 'yun. Wala akong karapatang tumanggi sa trabaho. Trabaho lang talaga, so why not?" says Rich when asked about what she felt when she found out she will be paired with her ex. Two months lang daw ang itinagal ng kanilang relasyon, pero matagal silang exclusively dating.
"It wasn't a bad breakup. Wala namang bitterness at all. Hindi naman ako naaapektuhan. Ako talaga, ang trabaho, trabaho lang. In fact, I make it a point na somehow nilalagyan ko ng certain barrier. Kasi siyempre, ayokong baka may masagasaan, may maapakan o may masaktan. Siyempre may pinagsamahan din kami. Professional work lang," she reiterates.
When asked about if they remained friends after parting ways, this is what Rich had to say. "Yes, friends kami. Batian, ganun."
Ano naman ang masasabi niya kay Ervic na napabalitang nanliligaw kay Binibining Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida?
"Okay lang, basta't masaya naman siya. Siyempre kakilala ko naman 'yung tao, naging mabuti naman siya sa akin, lalong lalo na 'yung pamilya niya. I wish him well. I wish him happiness. Kahit sino pa man 'yan, basta okay siya."
As for her own love life, Rich is not in a hurry to be in another relationship, as she is busy with both her career and studies. "Kung may dumating, tingnan natin. Pero wala pa naman. And I'm not in a rush naman."
Catch Rich Asuncion and Ervic Vijandre in Binoy Henyo, weekdays before 24 Oras. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com