TV

‘Bet ng Bayan’ is work and play for Alden Richards

Updated On: March 14, 2020, 03:40 AM
Maraming opportunities ang nabuksan kay Alden dahil sa 'Bet ng Bayan'.
By AEDRIANNE ACAR and MERYL LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Work and play.

Ganyan maihahalintulad ng Kapuso hunk at Bet ng Bayan host na si Alden Richards ang experience niya sa pag-host ng biggest talent search competition ng GMA 7.
Grand finals na ng Bet ng Bayan sa Linggo, Dec. 28.

Aniya, noong magsimula siyang mag-artista ‘yun daw ‘yung nilu-look forward niya na magkaroon ng opportunity na makapag-travel.

Ani ni Alden, “Kasi po noong nag-start akong mag-artista, parang ‘yun po ‘yung nilu-look forward ko po ‘yung makasakay ng eroplano nang libre. So ang daming perks of being a host, kumbaga especially BNB, umiikot po kami sa mga probinsya.”

Highlight daw para sa former Ilustrado star na habang ginagawa ang Bet ng Bayan na maki-celebrate sa mga kababayan natin tuwing piyesta  sa iba’t ibang panig ng bansa.

“At the same time, pag pumupunta po kami doon, shino-showcase po namin ‘yung highlights ng probinsyang ‘yun.Let’s say Cebu, Sinulog, lechon.”

Dagdag pa ni Alden kakaiba daw talaga ang Bet ng Bayan dahil lahat ng hanap-hanap mo sa isang show ay mapapanood mo sa bawat episode.

“Food, places to go, tapos ‘yung mga tao na nag-audition. Kumbaga dito po sa BNB, nandito na lahat. Meron kang PopTalk, Let’s Fiesta, AHA!, etc. So punong-puno po ‘yung show, very colorful.”
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.