Glenda Garcia on having breast cancer: “Gusto kong maging inspirasyon sa marami”
Published On: November 4, 2013, 02:55 PM
Updated On: April 13, 2020, 01:24 AM
Lingid sa kaalaman ng marami, miyembro ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. ang Kapuso actress. Nagbibigay siya ng counseling para sa mga pasyenteng may breast cancer ngunit wala siyang kamalay-malay na siya rin ay dinapuan nito.
Ang Kapuso actress na si Glenda Garcia ay gumaganap bilang Jenny sa GMA Telebabad show na Akin Pa Rin ang Bukas. Kasama niya dito sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Charee Pineda, Cesar Montano, Gloria Romero, Liza Lorena at Solenn Heusaff.
Lingid sa kaalaman ng marami, miyembro ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. ang Kapuso actress. Nagbibigay siya ng counseling para sa mga pasyenteng may breast cancer ngunit wala siyang kamalay-malay na siya rin ay dinapuan ng sakit na breast cancer.
“Na-diagnose ako ng breast cancer this year, nu’ng October lang. Nagtataping ako sa Tagaytay, meron akong naramdaman na shooting pain. Paghawak ko sa shooting pain na ‘yon, very prominent ‘yong mass, so ang ginawa ko nagpa-mammogram at ultrasound ako,” kuwento niya.
Nang magpakonsulta sa doctor, napansin na mas malaki ang mass kumpara sa naging resulta ng huling ultrasound niya rito. Inirekomenda ng doctor na kumonsulta siya sa isang surgeon at sumailalim sa isang biopsy test.
Ayon sa naging resulta ng kanyang biopsy test, “Nagulantang ako ng sinabi sa akin na invasive carcinoma iyong result. After two minutes tumawag, ‘I’m sorry meron kang cancer’ Hindi ako makapaniwala.”
Naging emosyonal ang Kapuso actress habang ikinukuwento ang nangyari, inamin niya hindi naging madali ang pagtanggap na may breast cancer siya. Dumating din sa punto ng kanyang buhay na pinanghinaan siya ng loob.
“I wasn’t questioning God. Ang tagal ko na nagsisilbi, tapos meron din ako, hindi ko kaagad matanggap na may cancer ako. Hysterical na ako.”
Wala rin nagawa ang Kapuso actress kung hindi ipatanggal ang bukol na namuo sa kanyang dibdib ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanyang kalbaryo dahil ng kapain niya ang kabilang parte ng kanyang dibdib, meron din pala itong bukol.
“Pagkapa ko sa kabila meron ding prominent na lump. Sa operating room, ang ginawa ng doctor, inalis niya ‘yong mass, frozen biopsy. Tiningnan kung carcinoma din. Carcinoma din pero the stage is zero. So tinanggal na rin”
Nang malaman ang kanyang lagay, nag-alala siya para sa kanyang show sa GMA Telebabad ang Akin Pa Rin ang Bukas. Buti na lang at todo ang suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang direktor na si Direk Laurice Guillen.
“Very thankful ako kay Direk Laurice Guillen kasi sabi niya, ‘Hangga’t kaya mo at gusto mo magtrabaho, nandito kami na sumusuporta sa iyo. Huwag mo ico-compromise ang treatment mo. I don’t care, maraming wig diyan.’ Very thankful ako sa Akin Pa Rin ang Bukas, very supportive sila sa akin.”
Naging mabilis din ang naging recovery ng Kapuso actress kaya ang laki ng pasasalamat niya sa Diyos. Mas lalo pang tumibay ang kanyang paniniwala sa Kanya dahil nalampasan niya ang matinding pagsubok na ito ng kanyang buhay.
Nais niyang magsilbing inspirasyon sa mga Kapuso natin na may pinagdadaanan din tulad niyang may breast cancer.
“Gusto ko maging inspirasyon sa marami kaya sinabi ko na rin. ‘Ito may cancer ako pero ang cancer nagagamot iyan. Kailangan lang talaga na madetect siya ng maaga. Kapag meron kang cancer, huwag kang matakot. Meron tayong Panginoon Diyos na magpapagaling sa atin at gagamit siya ng instrument para pagalingin tayo. Have faith sa ating Panginoon.”
Catch Glenda Garcia as Jenny in Akin Pa Rin ang Bukas after Kahit Nasaan Ka Man, only on GMA Telebabad. For more updates of your favorite Kapuso shows and stars, just keep on visiting www.gmanetwork.com. – Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.