
Walang maipapakita ang Balintataw ni Nunong Imaw tungkol sa Itim na Brilyante, na nangangahulugang hindi ito sa Encantadia nilikha o nagmula.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, naisip ni Danaya (Sanya Lopez) na maaaring nasa Devas ang kasagutan kung paano mawawasak ang Itim na Brilyante.
Sama-samang magpupunta sa Devas sina Terra (Bianca Umali), Lira (Mikee Quintos), at Gaiea (Cassy Lavarias) kung saan makakaharap nila si Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff).
Samantala, susugod sina Danaya (Sanya Lopez) at Amihan (Kylie Padilla) kasama sina Adamus (Kelvin Miranda) at Deia (Angel Guardian) sa kuta ni Gargan (Tom Rodriguez), kung saan panganib ang naghihintay sa kanila.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Sanya Lopez celebrates Women's Month with Sang'gre gallery