
Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang ibinahaging behind-the-scene video ni Sanya Lopez mula sa set ng Sang'gre kung saan makikita siyang tawang-tawa kay Nunong Imaw.
Sa one-minute video, hindi napigilan ni Sanya ang tumawa nang kontrolin ang expression ni Nunong Imaw habang inaayusan ito. Sinabayan din ng voice actor ni Nunong Imaw at nang kumukontrol dito ang pakikipagkulitan ng aktres.
Kasalukuyang mayroong 3.5 million views sa Facebook ang nakatutuwang behind-the-scene na ito nina Sanya at Nunong Imaw.
Maging ang netizens ay tuwang-tuwa rin sa kakulitan ni Sanya sa set at sa nakakatawang expressions ni Nunong Imaw.
Patuloy na subaybayan si Sanya bilang Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.