IN PHOTOS: Rayver Cruz inks deal with GMA Network
Balik Kapuso na ang aktor na si Rayver Cruz. Opisyal na pumirma ng kontrata si Rayver nitong September 6, 2018 kasama ang GMA Executives.
Warm welcome
Mainit ang pagtanggap ng GMA Executives na sina (From L-R) Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Ms. Gigi S. Lara, Senior Vice President for GMA Entertainment Group Ms. Lilybeth G. Rasonable, at Assistant Talent Manager Albert Chua.
Thankful
Mensahe ni Rayver sa lahat ng tumanggap sa kaniyang pagbabalik, “Maraming maraming salamat dahil sa pag-welcome sa akin ng Kapuso Network. Mapapanatag ka at mawawala 'yung hiya mo eh, so thank you.”
Back to his roots
Sa GMA Network nagsimula ang aktor sa informative show na '5 and Up,' kung saan nakasama niya sina Atom Araullo, Chynna Ortaleza, at kapatid niyang si Rodjun Cruz.
Mutual decision
Ayon kay Rayver, matagal niya rin pinag-isipan ang pagbabalik Kapuso. “It's a long process, hindi naman basta basta 'yung desisyon eh. Siyempre I consulted with my family and friends, of course with my manager, and mutual naman 'yung desisyon namin so nandito na ako. “
Family
Hindi pa rin nawawala ang nabuong samahan nina Rayver at ng GMA SVP for Entertainment na si Ms. Lilybeth G. Rasonable.
More challenges
Ayon kay Rayver, “Gusto ko magkaroon ng more challenging roles, gusto kong mas marami pa akong magawa.”