IN PHOTOS: The stellar cast of 'Onanay'
Kilalanin ang cast ng upcoming primetime series na kukurot sa puso ng mga manonood, ang 'Onanay.'
Nora Aunor
Nagbabalik-Kapuso ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. First time niyang makakatrabaho ang mga batang artista na kabilang dito kaya excited na siyang makaeksena ang mga ito.
Mikee Quintos
Muling ipapamalas ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang kanyang galing sa pag-arte. Matapos siyang mapanood sa mga telefantasyang 'Encantadia' at 'Sirkus,' sasabak naman siya sa heavy drama.
Kate Valdez
Ito na ang ikalawang pagsasama nina Kate Valdez at Mikee Quintos sa isang serye matapos nilang bigyang-buhay ang mga karakter nina Mira at Lira sa 'Encantadia 2016.' Gaganap sila sa 'Onanay' bilang magkapatid.
Jo Berry
Hindi hadlang para kay Jo Berry ang kanyang kapansanan para magbigay ng inspirasyon sa mga taong tulad niya na differently-abled.
Enrico Cuenca
Matapos mapanood sa 'Super Ma'am, muling sasabak sa drama ang Kapuso actor na si Enrico Cuenca. Siya ang love interest ng mga karakter nina Mikee at Kate.
Wendell Ramos
Balik-Kapuso na ang hunk actor na si Wendell Ramos matapos ang pitong taon. Masaya raw siya sa kanyang pagbabalik dahil mainit siyang sinalubong ng kanyang mga dating katrabaho.
Adrian Alandy
Bukod kina Nora Aunor at Wendell Ramos, balik-Kapuso na rin si Adrian Alandy. Flattered siya sa mga positive feedback na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga boss sa GMA kaya excited na siya sa bagong serye.
Gardo Versoza
Muling magbabalik sa primetime ang aktor na si Gardo Versoza matapos ang kanyang short stint sa 'Kambal, Karibal.'
Vaness Del Moral
Wala pang baby plans ang Kapuso actress na si Vaness Del Moral kaya malugod niyang tinanggap ang proyekto.