Riders ng delivery app ni Dingdong Dantes, nagsimula na ang training
Sumabak ngayong araw, July 6, sa isang training program ang mga dating showbiz worker na ngayon ay magtatrabaho na bilang rider sa delivery business na itinayo ni Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) lead star Dingdong Dantes.
Sa Instagram story ni Dingdong, makikita na sumusunod pa rin ang mga rider sa health protocols na inirekomenda ng gobyerno.
Noong June 11, inanunsyo ni Dingdong na magtatayo siya ng isang delivery app na may pangalang DingDong Ph para matulungan ang mga showbiz worker na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Saad ni Dingdong, “I think in this disruptive world, there is still a huge space especially for start-ups like these. I think the best is to offer alternatives and to cater to specific needs.
“Kasi I'm pretty sure hindi naman lahat ng pangangailangan ay nabibigay ng isang namumukod-tanging kumpanya. Doon pa lang sa aspetong 'yon, it's best to have alternatives.
“Nu'ng inisip ko siya, gusto ko solutions-based. I identify the problem first then I cater solutions specifically."
Hindi pa sinasabi ni Dingdong kung kailan ang launching ng kanyang delivery app pero naglabas na siya ng teaser noong June 27.