Filtered By: Showbiz News | News
10 celebrity luxury bags na pinintahan ni Heart Evangelista
Hanga ang mga celebs na ito sa talento ng Kapuso star kaya pati handbags nila ay pinatatakan nila ng obra ni “Love Marie.”
Jinkee Pacquiao
Bitbit ng asawa ni Manny Pacquiao ang kanyang Hermes Herbag at pinuri niya pa ang nagpinta nito, “Thank you lovely Heart [for your] amazing talent.”
Jinkee Pacquiao
“God-given talent” raw ito ng Kapuso star kaya pinagawa pa ni Ginang Pacquiao ang isa niya pang Hermes Herbag.
Kim Chiu
Ang Kapamilya star ang latest client ni Heart, “Thank you for the trust. This one is for you, [and I] hope you like it.”
Maggie Wilson
She likes everything classy and stylish kaya ang actress na mismo ang nagpinta ng Hermes Garden Party bag ng British-Filipino beauty queen.
Carla Abellana
Ang kapwa niyang Kapuso star ang isa sa mga pinakaunang artista na nagpapinta ng kanyang Prada bag.
Princess Violago
Malapit na kaibigan ng chinita beauty ang dating host ng 'S-Files' at ang tinataguriang “Paris Hilton ng Pilipinas” kaya napansin niya ang mga gawa ng aktres.
Happy Ongpauco-Tiu
Proud ang kanyang pinsang celebrity chef-restaurateur sa kinalabasan ng kanyang Hermes Garden Party bag.
Albert Kurniawan
Hindi nagpahuli ang kaibigan at celebrity makeup artist para papintahan ang kanyang Hermes Kelly Depeche.
Dr. Aivee Aguilar-Teo
Kasing-ganda ng babae sa bag ang doctor of the stars at may ari ng The Aivee Clinic.
IN PHOTOS: Heart Evangelista's #lovemariehandpaintedbags
IN PHOTOS: 13 celebrities and their designer handbag collection