Rocco Nacino, hindi natatakot na makipagsabayan sa takilya ang 'Write About Love' sa MMFF 2019
Magiging merrier ang Pasko ng Kapuso actor na si Rocco Nacino dahil for the second time ay kabilang ang kanyang pelikula sa prestihiyosong Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
READ: MMFF announces Magic 8 entries for 2019 season
Bibida ang Descendants of the Sun star sa rom-com film na Write About Love kung saan katambal niya ang Kapamilya star na si Miles Ocampo. Gagampanan nila ang karakter bilang mga scriptwriters.
LOOK: Rocco Nacino introduces his character in Pinoy adaptation of 'Descendants of the Sun'
WATCH: The official trailer of MMFF 2019 film 'Write About Love'
Rocco Nacino describes working with actors from rival network healthy
Ang Write About Love ay official entry sa MMFF 2019 ng TBA Studios na siyang nagprodyus ng ilang critically-acclaimed films gaya ng Heneral Luna, Goyo, Bliss, Birdshot, at I'm Drunk, I Love You.
Sa panayam kay Rocco ng ilang entertainment reporters noong November 13, sinabi niyang hindi niya expected na makakapasok ng MMFF ang naturang rom-com film.
EXCLUSIVE: Rocco Nacino surprised over 'Write About Love's' admission to MMFF 2019
"Excited kami sa supposed to be released niya. Supposed to be sooner tapos no'ng sinabi na may mga plans sila, wala, in the dark kaming mga artists. Then tinatanong namin and then boom, saka nila sinabi na ilalaban to sa MMFF," bahagi ng 32-year-old actor.
Espesyal para kay Rocco ang Write About Love dahil isa itong pagbibigay-pugay sa mga scriptwriter sa bansa.
Sambit niya, "We are really excited kasi iba 'yung feel ng movie dahil ngayon lang tayo nag-pay ng homage sa scriptwriters natin. Magbibigay-pugay tayo sa kanila dahil ipaparamdan natin 'yung importance nila sa quality films and quality seryes na napapanood natin."
Dagdag pa ni Rocco, "It's a love story showcasing different kinds of love, ways to love, and how scriptwriters go through the process para makapagsulat ng napakagandang kuwento na tumatatak sa mga tao."
Walang takot
Bigatin ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2019. Gayunpaman, hindi raw natatakot si Rocco na makipagsabayan sa takilya ang Write About Love dahil para sa kanya, hindi kompetisyon ang naturang film festival.
Pahayag ni Rocco, "Parang 'di na siya kompetisyon e. Hindi ako natatakot kasi how I see festivals, it's a showcase. Ibinabahagi namin itong magagandang pelikula para ma-enjoy n'yo lahat so tinatanggal ko 'yung thought na, 'uy may awards night 'to, competition 'to.' Let's leave it to the audience to say 'yung opinions nila sa pelikula. Ang importante nakagawa 'tong productions ng magagandang pelikula na kapag lumabas sila ng sinehan, pag-uusapan nila kasi walang tatalo sa word of mouth."
Bagamat, maituturing na underdog ang Write About Love sa 45th MMFF, sinisigurado ni Rocco na magugustuhan ito ng mga manonood dahil sa relatable lines na bibitawan ng mga karakter nito.
Saad niya, "Posibleng ma-surprise ang mga tao in a good way or bad way. I'll leave it to that. People will be excited for it. I think being a dark horse is good kasi it would create a mystery na sasabihan ng mga tao na is it worth-watching or is it not? Sa ginawaga namin ngayon and how people are talking about it, I'm sure magiging interesado sila lalo na no'ng lumabas ang trailer.
"It's a feel good movie, lots of learning also. Lalo na nakaka-attract siya sa millennial generation natin. Ang daming relatable lines na talagang naiintindihan ng mga kabataan ngayon."
Ang Write About Love, na idinerehe ni Crisanto B. Aquino, ay nabigyan ng G-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
'Write About Love' gets G-rating from the MTRCB
Mapapanood na ito simula December 25 sa mga sinehan.