Kilalanin ang 'Sunday PinaSaya' mainstay na si Lovely Abella
Sino itong Ilonggang Kapuso actress na una nating nasilayan sa Sunday noontime show?
Lovely Abella
Pamilyar ba ang mukha ng Kapuso actress? Bago siya mapabilang sa ‘Sunday PinaSaya,’ kung saan-saang shows sumabak ang South Cotabato native.
Auditions
Maraming auditions na raw ang nasalihan ng dalaga, “Bata pa lang ako [ay] pumipila na ako kung [saan-saan] kasi gusto ko talaga maging artista. Humaharap na ako sa salamin para umarte.”
Kikay
Noong nakapasok siya ng showbiz, nagsimula si Lovely sa ‘Bitoy’s Funniest Videos’ bilang isa sa mga Kikays.
Dancer
Pinalad ang baguhang aktres nang kunin siya ni game show master Willie Revillame bilang isa sa mga dancers ng kanyang dating show. Natuwa ang TV host sa salita nitong Ilonggo kaya nakasama siya sa U.S. tour nila by popular demand ng mga Visayan viewers.
Host
Natural ang comedic skills ng aktres kaya nakapag-host rin siya sa show ni Willie kasama sina Mariel Rodriguez at Cindy Miranda.
Benj Manalo
Sa parehong show niya nakilala ang kanyang boyfriend of two years na si Benj Manalo na isang theater actor na kasalukuyang gumaganap bilang Tolits ng ‘Rak of Aegis.’
Carmela
Kaliwa’t kanan din ang kanyang pagiging extra sa mga Kapuso dramas. Dati niya pa pala nakilala ang kanyang ‘Sunday PinaSaya’ co-host na si Pambansang Bae Alden Richards sa ‘Carmela.’
Sunday PinaSaya
Nag-baliw-baliwan daw siya gamit ang kanyang likas na lenggwahe sa audition nito para sa Sunday noontime show kaya siya nabigyan ng roles sa segment bilang isang Ilongga. Big break ito para kay Lovely kaya “sobrang saya, sobrang iniingatan at minamahal” ang kanyang trabaho.
Family
Sa unang anibersaryo ng comedy-variety show, ipinakilala siya bilang isa sa mga bagong regular cast. Ang pagpapasaya ng mga tao at pati ang pagiging propesyonal sa kanyang mga katrabaho ang kanyang ma-i-offer sa show.
Jose Manalo
Maliit ang mundo kasi co-host niya na rin ang kanyang soon-to-be father-in-law na tinatawag niyang “Daddy.” Ang komedyante raw ang nagsisilbing gabay niya sa show bukod sa iba nitong kasamahan.
Calle Siete
Dream come true para sa kanya ang mapabilang pa sa ibang shows ng http://ttp://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/photos/2016-08-01/5446/63903/CastKapuso network, “Matagal ko nang gustong ma-achieve [‘yung] mapabilang sa mga shows na hindi na dadaan lang.”
Conan, My Beautician
Katrabaho niya na rin ngayon pati sina Miss World 2013 Megan Young at ang mga aktor na sina Mark Herras at Rodjun Cruz. Pambihirang pagkakataon ito para sa kanya kaya “[hindi] po [talaga] ako nagpapakampante.”