Jon Lucas, pumirma sa GMA Artist Center
Ganap nang Kapuso ang actor at performer na si Jon Lucas matapos nitong pumirma ng kontrata sa ilalim ng GMA Artist Centernoong Hulyo 2.
Lubos na nagpapasalamat si Jon sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA Network, “Napakahalaga sa'kin ng chance na ito, ang dami kong hinintay at hiniling, kaya ibibigay ko talaga 'yung best ko rito.”
Para sa kaniyang unang proyekto bilang isang Kapuso, kabilang si Jon sa all-star cast Filipino adaptation ng Korean series na 'Descendants of the Sun' na pagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, at marami pang iba.
Kasalukuyang naghahanda si Jon para sa kanyang karakter sa serye na si Staff Sergeant Benjo Tamayo a.k.a. Harry Potter, “May training po kami sa military, hindi basta-basta at hindi biro. Kaya ibibigay ko ang best ko for this project lalo na't big stars ang makakatrabaho namin dito.”
Samantala, naniniwala ang GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions na si Gigi Santiago-Lara na marami pang maipapakitang kahusayan ang aktor, “We are always on the lookout for talented artists that's why we are pleased to welcome Jon to the GMA family. We look forward to showcasing his versatility and to honing more of what he has to offer.”
Dumalo sa contract signing sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Talent Manager Daryl Zamora, at ang kaniyang co-manager na si Katrina Aguila.