Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: Aiai Delas Alas, stage mom sa anak na si Sophia Delas Alas?

By Nherz Almo
Updated On: June 10, 2019, 02:13 PM
Aiai Delas Alas jokes about allowing her daughter Sophia to join showbiz: “Siyempre… para makatulong sila sa akin, 'no.”

Sa ikalawang pagkakataon, magiging bahagi ng pelikula ni Aiai Delas Alas ang anak niyang si Sophia Delas Alas.

Aiai and Sophia Delas Alas
Aiai and Sophia Delas Alas

Unang naging bahagi ng pelikulang S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel) ang 24-year-old newbie actress.

Ngayon, magiging parte rin siya ng pelikulang Feelennial, na pagbibidahan ng kanyang ina at kapuwa nito komedyanteng si Bayani Agbayani.

Sa ginanap na press conference ng pelikula noong Biyernes, June 7, kinumusta ng entertainment media sa direktor nitong si Rechie del Carmen kung paano si Aiai bilang ina sa kanilang set.

Ayon kay Direk Rechie, hindi naman niya nakitaan ng pagiging stage mom ang Comedy Queen na si Aiai.

“Wala, walang ganun 'yan. Parang anak ko rin 'yang si Sophie, walang ganun 'yan,” aniya.

Pero, agad niyang naalala, “Meron lang isang ano, nangingialam siya sa damit, 'Huwag 'yan, huwag 'yan ang isuot mo.' Yun lang, pero yung acting and ano, wala.”

Dinepensahan naman ng Sunday PinaSaya star ang kanyang sarili.

Natatawang saad niya, “Sa director 'yon. Pero kapag sa hitsura niya, 'Anak, palitan mo 'yang damit mo, mataba ka dyan.' Stylist ako.”

Samantala, inamin ng award-winning comedy actress na siya ang nagpasok sa anak na si Sophia sa bago niyang pelikula.

Pabirong sabi niya, “Siyempre, pinasok ko! Siyempre, 'no, lahat ng pagkakakitaan para sa mga anak ko, para makatulong sila sa akin, 'no, 'Sige, mag-artista kayo! Go!'”

Bukod kay Sophia, may cameo role din daw ang kanyang asawang si Gerald Sibayan sa Feelennial.

Mapapanood ang Feelennial sa mga sinehan nationwide simula June 19.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.