WATCH: Jasmine Curtis-Smith, dismayado sa pagtanggi ng ilang sinehan sa block screening ng 'Maledicto'
Ikinalungkot ni Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith ang hindi pagpayag ng ilang sinehan na magkaroon ng block screening ang pelikulang 'Maledicto.'
Two malls in Taguig declined our block screenings because apparently they don't screen local films anymore. 😐
-- Jasmine (@jascurtissmith) May 2, 2019
Sa kanyang Instagram, inihayag ni Jasmine ang kaniyang saloobin sa sinabi ng mall na hindi sila nagpapalabas ng Filipino film maliban sa MMFF.
"The first two malls replied back saying that they DON'T screen local films anymore unless it's the MMFF," she said.
"I just wanted to let you know that this is the state of support we receive from our cinema houses.
"We totally understand the difficulty of going up against an international franchise but it frazzles me that they choose NOT to screen local films anymore?!?"
Sa dulo, inamin ni Jasmine na "Ang hirap magkaroon ng chance."
Alamin ang buong detalye sa video na ito: