WATCH: Ervic Vijandre, pinasok na rin ang pagne-negosyo
Bukod sa pagiging aktor at atleta, negosyante na rin pala si Kapuso star Ervic Vijandre.
"Habang tumatanda ako, parang ine-establish ko 'yung sarili ko na maging stable ako. Mag-ipon ka na ng mag-ipon. Ako kasi, ang naging style ko sa negosyo, 'yung pinasok ko na negosyo gusto ko talaga, nasa sistema ko, nasa lifestyle ko," pahayag niya.
Unang negosyo ni Ervic ay ang isang gym na pinatayo niya noong 2009.
"Actually, nag-iisip lang ako sa gym noong nagwo-workout [ako]. Bakit kaya hindi ako magtayo ng ganito? Kasi naisip ko lang, magi-invest ka tapos bubuhatin lang siya tapos iiwanan na ganyan. Walang supplies. One time investment," aniya tungkol sa kaunaunahang niyang business.
Noong 2016 naman, naging kasosyo siya sa pangalawang branch ng isang sikat na gastropub.
"Naging kaibigan ko 'yung mga original owners ng Tipsy Pig. Lagi nila akong kasama doon sa Capitol Commons. Tapos sinabi nila, 'Oh mag-open kami ng isa pang branch. Baka gusto mong sumali,'" kuwento niya.
Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay.