
Inamin ni Kris Bernal sa press conference ng Asawa Ko, Karibal Ko na lagi niyang pinapanood noon ang now co-star niyang si Rayver Cruz. Childhood crush daw ni Kris si Rayver.
Aniya, "Aaminin ko rin, hindi ako makatingin sa kanya talaga nung una. But then alam ko, kailangan ko galingan, kailangan ko gawin ang trabaho ko. So, deadma muna sa dating puppy-puppy crush na 'yan."
Nilinaw naman ni Kris na happy siya ngayon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi. Ika pa nga niya, "Nasa point na ako na sooner or later baka mag-settle na rin ako."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: