Andi Eigenmann on rumored BF Philmar Alipayo: "I love you"
Todo ang suporta ng celebrity mom na si Andi Eigenmann sa rumored boyfriend niya na si Philmar Alipayo na kasalukuyang lumalaban sa 2018 Urban Research ISA World Surfing Games sa Japan.
READ: Andi Eigenmann bids goodbye to rumored boyfriend in Siargao
Sa Facebook post ni Andi, hindi niya naitago na sobra siyang kinabahan habang pinapanood na mag-compete si Philmar. May pahabol pa itong “I love you” para sa surfing athlete.
"First time ko maging ganito ka-passionate habang nanonood ng kahit anong laro. Pati ako nag-diet para dito nakakakaba pala. Napatigil halos ang shooting namin kanina dahil naka-pause lang 'yung heartbeat ko sa buong 20 mins ng heat!! I love you lodi ng buhay ko Philmar Alipayo!! And congrats to Piso and Marama, as well!”
May tugon din si Philmar sa sweet post na ito ng anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.
May anak si Andi sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito na si Ellie. Dati rin niyang dini-date ang Kapamilya hunk na si Albie Casiño.