Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

David Licauco, nakipag-date sa isang fan?

By Bianca Geli
Updated On: June 4, 2018, 04:22 PM
An "No Boyfriend Since Birth"  na si Fritz, sa Facebook dumiskarte para  makamit ang  dream date sa celebrity crush niyang si David Licauco. Magtagumpay kaya siya?

Lahat tayo, may dream date. Tulad na lang ng NBSB o No Boyfriend Since Birth na si Fritz, na sa Facebook dumiskarte para makamit ang dream date sa celebrity crush niyang si David Licauco.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Fritz kung paano siya nagpapansin sa kaniyang celebrity crush. Ang naisipang niyang gawin, i-challenge sa isang Facebook post si David.

Ang kaniyang paandar, kapag umabot sa 5k na likes, comments, at shares ang kaniyang post, ay i-date raw sana siya ni David.

Aniya, “Baka hindi siguro umabot kasi kahit mga profile picture ko lang sa social media hindi umaabot ng kahit 100 [likes]. Ito pa kayang post na ‘to? Pero sabi ng mga friends ko, why not try?”

Ang kaniyang post, nakarating kay David, at nag-reply pa ito. Pero may challenge rin si David para kay Fritz,  kapag umabot ng 10k likes, comments, and shares ang post ni Fritz ay yayayain siya sa isang fish ball date ni David. Handa na rin ang official hashtag pa ang kanilang fish ball date na #FritzBallDatewithDavid.

Ang simpleng fish ball, nagkaroon bigla ng espesyal na meaning para kay Fritz. Napuno ng pag-asa sa kaniyang celebrity crush ang dalaga.

Pero,matuloy kaya ang kanilang fish ball date?

Panoorin sa nakakakilig na KMJS feature na ito:

 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.