#HuwagAko: Winwyn Marquez, pinatulan ang basher na nagsabing pang-Suffer Sireyna ang korona niya
Sobrang proud si reigning 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa pagkapanalo ng fellow beauty queen niya na si Thia Thomalla.
Miss Eco International 2018 Thia Thomalla's winning answer
Wagi bilang Miss Eco International 2018 si Ms. Thomalla at siya din ang pinaka-unang Pinay na nag-uwi ng titulo sa kasaysayan ng pageant.
Heto ang mensahe ni Winwyn Marquez sa kaniyang mga kaibigan na Miss World Philippines queens.
A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on
Pero isang basher ang nag-komento sa post na ito ng morena beauty at sinabi na ang titulo ni Winwyn na Reina Hispanoamericana ay parang kumpetisyon lang sa popular Eat Bulaga segment na ‘Suffer Sireyna.’
May maanghang na reply ang anak ni Alma Moreno sa post ng naturang basher sa Twitter.