TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, ano ang bagong nadiskubre sa isa't isa?

By Bea Rodriguez
Updated On: April 11, 2018, 10:56 AM
Mula nang unang magtambal sa 'Reel Love Presents Tween Hearts,' ano-ano na nga ba ang nagbago kina Derrick Monasterio at Barbie Forteza?

Mahigit isang linggo na magkasama ang Kapuso love team nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio upang kunan ang kanilang mga eksena sa upcoming GMA Primetime series na Inday Will Always Love You kung saan ibibida ang ganda ng Cebu.

Walong taon nang nakalipas nang unang magtambal ang DerBie sa Reel Love Presents Tween Hearts. Ngayong summer ay nagbabalik ang love team na minahal natin noon sa kanilang pagbibidahang kiligserye sa GMA Telebabad.

Ano ang pagkakaiba nila noon at ngayon?

Ayon kay Barbie, serious actor na ngayon ang kanyang leading man, “Mas tutok siya sa work. Hindi siya ‘yung ‘Ok na iyan.’ Inaaral niya rin ‘yung script [na] kahit ‘yung direktor namin [ay] nagulat sa kanya na talagang inaral niya ang karakter niya. ‘Pag nasa set, alam na niya kung ano ang gagawin niya.”

Kinilig si Derrick sa papuri ng kanyang leading lady at sinabing noon pa lang ay hangang-hanga na siya sa aktres. Bahagi niya, “Ever since, she’s really awesome and brilliant at what she’s doing. In terms of work, wala akong masabi kay Barbie. Offcam, wala ka ring masasabi.”

Ang talent at professionalism ng dalaga ang kanyang pinakahinahangaan. “Lalo pa siyang pagaling nang pagaling sa bawat show na magkasama kami, parang laging ibang Barbie [ang nakakatrabaho ko]. May mga pareho siyang roles pero nalalagyan niya ng twists para maging iba. Iyan ang maganda sa kanya,” paliwanag niya.

Siguradong mas mature na Barbie at Derrick ang mapapanod natin sa Inday Will Always Love You, soon on GMA!

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.