Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Willie Revillame, sinorpresa sa Macau para sa kanyang kaarawan

By Cherry Sun
Updated On: January 28, 2018, 11:16 AM
Happy birthday, Wil!

Sa Macau nagdiwang ng kanyang kaarawan si Willie Revillame, at tiniyak naman ng kanyang mga katrabaho noon at ngayon na masorpresa ang Wowowin host.

Mapapanood sa video ni Adrian Gret na sinorpresa niya kasama nina Sugar Mercado, Jannie Alipo-on, Camille Canlas, Janelle Tee o Kimchi, at iba pang staff ng Wowowin at miyembro ng press si Kuya Wil. 

 

 

Nagpaabot din sila ng pagbati para sa Wowowin host.

Ani Sugar, “Happy happy birthday, Kuya Wil bigyan ng jacket 'yan. Salamat po sa lahat ng tulong di lang po sa akin kundi sa aming lahat. Mahal ka po namin lahat. Sabi mo nga po tuloy ang saya at pagbibigay pag-asa. Isa po ako sa binigyan mo ng pag-asa. Salamat ulit kuya. Good health para sa’yo para mas marami ka pa po matulungan.”

 

“Happy happy birthday to you, Wil!  We love you,” pagbati naman ni Camille.


Hindi rin nakalimot si Donita Nose.

Mensahe niya para sa Wowowin host, “Kuya Wil, happy happy birthday po! Kahit kelan man di ko makakalimutan ang espesyal na araw ng isang napakaespesyal na tao sa buhay ko. At sa kaarawan mo kuya wish ko po ang iyong malusog na kalusugan para mas marami pa po kayong matulungan at mapasayang tao. I Love you kuya. Miss you po.”

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.