WATCH: Andrea Torres, bakit hindi kasama sa men's magazine cover tampok ang 'Bubble Gang' girls?
Masaya ang Kapuso actress na si Andrea Torres na na-feature ang kaniyang mga kaibigan at co-stars sa Bubble Gang sa November issue ng men’s magazine na FHM Philippines. Marami tuloy nagtatanong bakit wala ang Bubble Gang bombshell sa naturang cover?
Sa panayam ni Andrea sa 24 Oras Weekend, nagpaliwanang ito na naging sobra siyang busy sa primetime series na Alyas Robin Hood kaya hindi nakasama sa sexy pictorial ng mga Bubble Gang comediennes.
Ano naman kaya ang masasabi niya sa sexy slumber party cover ng mga Kababol?
Ani Andrea, “Fun! Very Bubble Gang talaga, kasi hindi lang basta fierce, pinakita rin nila talagang iba-ibang poses nila na wacky ‘yung ganiyan.”
#BubbleParty: The ladies of 'Bubble Gang' are fierce and funny
Dagdag pa ng Kapuso star na humingi ang mga Bubble Gang girls sa kaniya ng ilang tips kung ano-anong pose ang puwede nilang gawin sa shoot.
Saad niya, “Team work talaga, so ‘yun nagtanong lang sila sa akin ano usually ‘yung ginagawa. Ano ‘yung mga nangyayari 'pag mga ganun. Kung ano ‘yung mga pose pose na gagawin. Pero nakita ko naman dun sa cover parang hindi naman nila kailangan ng tulong ko parang natural na natural naman.”
Isa rin sa pinagkakaabalahan ni Andrea ang shoot ng 2017 Metro Manila Film Festival entry na Meant To Beh na pagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta.
Kumusta naman kaya makatrabaho ang dalawang veteran stars ng Philippine showbiz?
“Sila Bossing 'tsaka si Ms. Dawn (Zulueta) siyempre naturally masta-starstruck ako sa kanila. Pero sobrang parang ka-age lang namin sila kapag makipagkuwentuhan sila sa amin. Kailangan alamin ko ‘yung mga bagong uso ngayon na lodi, petmalu,” aniya.
Video courtesy of GMA News