Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Isabel Granada, stable na ang kondisyon pero comatose pa rin

By Bea Rodriguez
Updated On: October 26, 2017, 05:45 PM
Ano na ang lagay ni Isabel Granada?

Stable na raw ang kondisyon ng aktres na si Isabel Granada matapos ma-ICU dahil sa brain hemorrhage na indikasyon ng aneurysm, ayon sa balita ni Howie Severino sa News To Go.
 
Nasa mabuting kalagayan na ngunit comatose pa rin ang “fit and healthy” 41-year-old actress na nakapag-Zumba at badminton pa bago siya mag-collapse noong Martes, October 24 sa Qatar.
 
Nababahala raw ang kanyang dating katambal at matalik na kaibigan na si Chuckie Dreyfus sa pangyayari dahil aktibo naman daw ang pamumuhay ng aktres.
 
Saad niya sa report, “As you can see, she’s very health-conscious. Mas nakakabahala na nangyari sa isang tao katulad [niya] na napaka-conscious sa kanyang [katawan at] kalusugan ang ganitong klaseng sakit.”
 
Nanawagan din si Chuckie na tigilan na umano ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa kalagayan ng aktres.

Video courtesy of GMA News

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.