Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Jason Abalos, isa nang Kapuso!

By Maine Aquino
Updated On: October 3, 2017, 06:39 PM
Ngayong October 3 ay opisyal nang naging Kapuso si Jason Abalos.

 

 

Ngayong October 3 ay opisyal nang naging Kapuso si Jason Abalos.

Sa ginanap na contract signing para sa kanyang paglipat sa GMA Network ay inilahad ng aktor ang kanyang nararamdaman ngayong isa na siyang ganap na Kapuso artist. Ani ni Jason, "Siyempre excited. Panibagong journey sa pagiging artista. Masaya lang."

Kasama sa mga ibinahagi ng aktor ay ang matagal niyang pagdadasal para sa paglipat ng network.

"Actually matagal ko pong pinag-pray na parang mayroong panibagong pinto na magbukas. Na magbigay sa akin ng pagkakataon."

Pagpapatuloy niya, "Feeling ko parang may sign na rin para pumunta ako dito eh." 

Nakikita umano ni Jason na malaking adjustment ang kanyang haharapin at ipinangakong magpupursigi para sa mga proyektong ibibigay sa kanya. Aniya, "Parang bagong mundo para sa akin ito eh. Siyempre po kung ano man 'yung maging trabaho ko sa pinanggalingan ko, puwede kong madala dito. 'Tsaka siyempre mas magpursige pa para mas maganda pa ang kalabasan."

Pagpapatuloy niya, "Bago lahat eh, bagong mukha, bagong environment, bagong adventure. Isa pong malaking desisyon para sa akin ito, gusto ko lang subukan ang kapalaran ko sa GMA." 

Ibinunyag rin ni Jason ang kanyang paghanga kina Jennylyn Mercado at Marian Rivera nang tanungin kung sino ang kanyang mga nais makatrabaho sa mga Kapuso actress.

"Lahat kasi ng mga nandito magagaling sina Jennylyn, sila Marian. So ako po kahit po sino ibigay sa akin para ipares sa 'kin ng GMA, paghuhusayan ko po."

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.