WATCH: Pagpunta ni Alden Richards sa wedding ni Vicki Belo, paraan niya para tumanaw ng utang na loob
"She trusted me from the beginning."
A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on
Hindi puwede palagpasin ng Pambansang Bae Alden Richards ang star-studded wedding ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris nitong September 2.
Sa panayam ni Alden sa 24 Oras, sinabi nito na paraan niya ito para magpasalamat sa suporta at pagtitiwala ni Vicki Belo sa kaniya nung nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Wika niya, “I owe so much to Dra. Vicki Belo po kasi she trusted me from the beginning nung hindi pa po ako [sikat], nung nagsisimula pa lang po ako. So, it’s a small way of saying thank you to her.”
LOOK: Showbiz power couples take the spotlight at the Belo-Kho wedding in Paris
Todo rin ang paghahanda nina Alden at Maine Mendoza sa pelikula nila, lalo na at may mga kukunan silang mga action scenes.
Pero bakit hindi raw puwede magsama mag-training ang Eat Bulaga phenomenal love team?
Paliwanag ni Alden, “Basic instruction po kasi namin ni Direk Mike na para as much as possible, huwag po kami magsabay sa gym kasi magkukulitan lang kami dalawa.”
Video courtesy of GMA News