Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: Alden Richards pinayuhan si Maine Mendoza kaugnay sa negosyo

By Aedrianne Acar
Updated On: August 9, 2017, 07:29 PM
Nakakatuwa din para sa Kapuso actor na makita si Maine na makapag-pundar matapos itong magtrabaho ng todo todo sa showbiz sa loob ng dalawang taon.

Proud ang Pambansang Bae Alden Richards sa bagong achievement ng kapareha niya na si Maine Mendoza matapos ang blessing ng kaniyang fast food franchise sa Bulacan nitong weekend.

LOOK: Is this Maine Mendoza's latest investment?

Sa panayam sa entertainment press sa katatapos lang na charity event ng glutathione capsule breand na SnowCAps, ang brand na ini-endorso ni Alden, nagkuwento siya na madalas niyang pinapayuhan ang Dubsmash Queen na magtayo ng sarili nitong negosyo.

Ani Alden, “Actually napag-uusapan namin  talaga 'yan ni Maine 'pag nag-uusap kaming dalawa. 'Ano ba'ng gusto mong business?' ganyan. Actually, hindi talaga food ‘yung gusto niyang gawin mayroon pa siyang in mind. Pero, eto ‘yung nag-materialize immediately.”

Nakakatuwa din para sa Kapuso actor na makita si Maine na makapag-pundar matapos itong magtrabaho ng todo todo sa showbiz sa loob ng dalawang taon.

Wika niya, “I’m very happy na nagkaroon siya ng chance na makita naman ‘yung pinaghirapan niya for the past two years. And I’m sure parang wala na po akong mai-aadvice sa kaniya kasi both of her parents are business people and parang alam-alam nila ‘yung gagawin dun for sure.”

Dagdag ni Alden, “Pag nag-uusap po kasi kami talaga, kasi ang parents ko po, ‘yung dad ko po very insistent eh, mag-push mag-negosyo. And the people, ‘yung mga advisers ko, ‘yung mga mentors ko, ‘yun talaga ‘yung sinasabi. 'Yun din po ‘yung sini-share ko kay Maine 'pag nag-uusap kami, na kahit papaano, since your earning, why not put it up sa mga businesses, kasi nandyun ‘yung future, wala sa material na bagay.”

Charity event

Sinorpresa din ng AlDub actor ang ilang babeng street sweepers at tanod mula sa Bacoor, Cavite sa tulong ng SnowCaps. Binigyan nila ang mga ito ng bonggang day off.

Handog ni Alden ang libreng spa treatment at movie para sa mga hardworking Caviteñas.

Ayon sa Eat Bulaga host, priceless sa kaniya ang mga ganitong charity event. “Gusto ko kasi ‘yung mga ganito, eh. Parang ‘yung happiness sa mukha ng mga tao nabibisita ko when it comes to like this sa mga surprises medyo priceless ‘yun for me. Kasi kagaya nito, naibigay ‘yung opportunity sa mga street sweepers, mga tanod natin na nagta-trabaho everyday, talagang ‘yung trabaho nila ‘yun ‘yung mahirap… SnowCaps really gave them a day off so ako thankful ako at nagkaroon ng ganitong event ‘yung SnowCaps.” 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.