Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: LJ Reyes on fidelity - "Choose your husband wisely"

By FELIX ILAYA
Updated On: March 23, 2017, 03:20 PM
Nakapanayam ng GMANetwork.com si LJ Reyes na isa sa mga bida ng pinakabagong Kapuso dramedy na D' Originals kung saan gagampanan niya ang papel ng isang martyr na misis na gagawin ang lahat para sa kaniyang pamilya.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si LJ Reyes na isa sa mga bida ng pinakabagong Kapuso dramedy na D' Originals para kamustahin ang kaniyang experience on set.

Ani LJ, "Masaya 'yung set kasi nga it's a comedy show so medyo light siya compared sa ibang ginagawa ko. It's something new, entertaining, and challenging for me as well kasi siyempre coming from heavy drama."

 

Woke up like this! Chossss!!!????

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on


Sa D' Originals gaganap si LJ bilang si Marge, isang martyr na misis na gagawin ang lahat para sa kaniyang pamilya. Dahil sa pagkakayod ni Marge, hindi niya mamamalayan na may kerida na pala ang asawa niya na gagampanan naman ni Mark Herras.

Kung sa totoong buhay ay mangyari 'yon kay LJ, ano naman kaya ang gagawin niya?

"Naniniwala ako na I don't deserve that pero iba kasi ang usapan 'pag kasal na kayo kasi sabi nga sa Bible, 'Let no man separate what God has united.' Ayokong dumating sa puntong 'yon kasi feeling ko hindi ko kakayanin din pero we don't know," sagot ng aktres.

Para hindi ito maranasan ng kahit sino, payo ni LJ na maging pihikan sa pagpili ng papakasalan.

"'Pag mag-asawa, feeling ko you have this obligation to protect your family. Pero sana siyempre may hangganan 'yon. Choose your husband wisely, bago ka pumili ng mapapangasawa mo, dapat talaga kilalang kilala mo siya para hindi mangyari 'yon," dagdag niya.

May payo rin si LJ para sa mga taong nangangaliwa ng kanilang partners.

Ang masasabi ni LJ sa mga taong nangangaliwa sa kanilang partners, "Ang kakapal ng mga mukha niyo! [laughs] You don't know the consequences that you will face, yes probably you are enjoying what you're doing pero walang sinong tao na deserve makatanggap ng ganoon. Kung ayaw niyo ng commitment, 'wag na lang 'di ba?"

 

MORE ON 'D' ORIGINALS':

WATCH: Cast ng 'D' Originals,' nagkuwento tungkol sa kanilang roles 

Kim Domingo, naloko na raw ng lalaki noon? 

WATCH: Reresbak ang mga misis sa 'D' Originals' 

 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.