WATCH: Maxine Medina, gusto maging leading man si Bae-by Baste
"Be strong."
Ito ang payo ng Miss Universe 2016 top six finalist na si Maxine Medina sa lahat ng mga babae na gustong sumabak sa beauty contest.
Sa panayam ni Maxine sa 24 Oras, dapat magpakatatag ang sinomang babae na gustong sumali sa ganitong klase ng kompetisyon.
Paliwanag ni Maxine, “Be strong and love yourself ‘yun na lang ‘yung at least na madadala mo pagdating sa mga competitions.”
Plano rin ng Pinay beauty queen na pasukin ang mundo ng showbiz at ni-reveal nito ang leading man na gusto niyang makatrabaho.
Aniya, “Si Baste ano sa Eat Bulaga [laughs]. Ang cute-cute niya, crush ko siya. Sana matutunan ko lahat, kasi willing to explore this industry.”
Super proud din si Maxine sa hot model boyfriend niya na si Marx Topacio na napapanood ngayon sa Encantadia bilang si Azulan.
LOOK: #AzPiren bagong love team sa 'Encantadia'
Ano naman kaya ang masasabi niya sa chemistry nina Marx at Glaiza de Castro na gumaganap bilang Pirena?
“Naku I’m very, very proud of him. Naku pag-igihan mo 'yan,” saad ni Maxine.
Video courtesy of GMA News
MORE ON MAXINE MEDINA:
IN PHOTOS: Is he the Mr. Universe of beauty queen, Maxine Medina?
12 sexiest bikini photos of Bb. Pilipinas Universe 2016, Maxine Medina
READ: Dianne Medina, dinepensahan ang pinsan na si Maxine Medina laban sa kanyang mga "fake friends"